A Travellerspoint blog

Palico, Batangas

overcast

First time lang nagyari sa akin ito...

Matapos ang stressful na training namin last saturday.. nagpunta kami sa Sucat in ParaƱaque sa bahay ng co-trainee namin to unwind and relax.

so we travel.. mga banggag sa antok, namumutla sa puyat at kumukulo yung tyan sa gutom.

After an a hour of long traffic and heavy sunlight nakarating din kami sa bahay nila.. haay! sa wakas and upon arriving, nagplano na kaagad kami kung ano yung kakainin at iinumin pero syempre tabla-tabla muna habang kumakain ( naka apat na hotdog yata ako. hehehe)

pero alalay lang naman ang inom namin.. kaya hanggang dalawang

the-bar-orange-vodka.jpg

and a bottle of

redhorse.jpg
lang ang aming napatumba kasabay ang magulong tagayan at malupet na kantahan.

And for valid reason hindi kami pwede magpakalasing kasi uuwi ako ng Batangas and malayo din yung uuwian ng iba naming kasama. Past 3pm na rin yata kami natapos nun.

We wrap up everything. prepared ourselves to go home at kelangan ko na din kasi magmadali papuntang EDSA kasi 6pm yung last trip ng bus papuntang Balayan.

I almost missed the last trip kasi traffic sa Baclaran at pagdating ko sa terminal palabas na ng gate yung bus. kaya nagdali-dali akong tumakbo habang naka-stop.

And as usual ano pa ba ang aabutan mo sa last trip kasabay ang rush hour? e di full pack! no seats available! bad trip dba??

Akalain mong nakatayo ako from the terminal hanggang Bacoor. Pagod at puyat ka na, sabayan pa ng pagkalasing.. Good luck naman sa tuhod ko... kaya nung pagbaba ng lalaki sa area na yun nagdali-dali akong kuhanin ang pwesto.
" Hello!! 3 hours kaya ang byahe pauwi, ano ako sira bibigay yung seat ng basta basta! "

So after i grab the seat... boom! knock out si PeeJong.. zzzz.. zzzz..zzzz... zzzz...zzzz...
sa Tagaytay na ako na gising.. heheheh

And here is quite scary but funny thing na nangyari sa byahe..

Paglampas namin ng tagaytay along sa boundary ng Nasugbu ang Tuy. Tumirik yung Bus!! pucha naman oh!

Sa gitna pa ng madilim na lugar na halos isang kilometro ang pagitan ng mga poste ng ilaw at bibilangin mo lang ang bahay sa paligid na tanging kuliglig lang ang maririnig mong nagiingay...

Lima na lang kaming nasa loob ng bus.. Ako, kasama ang dalawang scavenger, driver at and kundoktor. syempre, kung ano-ano na yung mga pumapasok sa isip ko, kesho may bigla na lang lilitaw na halimaw sa bintana o kaya naman may matandang lalapit sa amin na walang mukha o kaya kahit anong panget na nilalang ang mananakot sa dis-oras ng gabi.

pero naiba yung atensyon ko.. imbis na matakot o magalit eh binatayan ko na lang yung oras kung hanggang anong oras kami makaka-uwi. and here are some of the info that i've got:

  • Nagmamay-ari : " Erjohn and Almark "
  • Rason ng paghinto : Naubusan ng Diesel
  • Bus # at modelo : 89035-Higen
  • Lugar ng pinaghintuan : Palico, Batangas

Mga oras ng paghinto :

  • 9:18pm - 9:41pm (tumawag ang kundokter para sa wrecker) Bumaba kami sa bus,pumunta ang driver likod at binomba yung lagayan ng diesel. tapos takbo ulit.
  • 9:43pm hinto na naman hanggang 9:41pm (bomba ulit si mamang driver)tapos takbo ulit pero

mahaba na yung tinakbo at may biglang umepal yung isang scavenger. sabi " Boss para! " epal diba? hirap na nga magpatakbo sabay papara.. hehehe!

  • 9:52pm takbo ulit pero hindi na nagbomba si kuya. hehehe pagod na..
  • 9:57 dumaan yung isa nilang Bus at pinalipat kami dun (sayang hindi ko na nakuha yung bus number. antok na ko eh)
  • 10:30pm ng nakarating ako ng bahay... at kinabukasan kinilabutan ako matapos kong ikwento yung nangyari ng gabi yun kasi yung lugar pala kung saan kami nasiraan ay maraming nagpapakitang white lady dun at mga naglalarong maligno.

at dahil dun! Hindi na ko uulit na uuwi ng ganung oras.. Promise!!

Posted by PeeJong 05:15 Archived in Philippines Tagged transportation

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint